Wednesday, March 5, 2008

Paalam Pasumandali Ina

Ika- dalawampu't tatlo ng Hulyo taong dalawang libo-pito nang lisanin ng dalawang istranghero ang Pilipinas para makamit ang minimithing pagkakataong ng maraming Pilipino sa ibang bansa. Si Rasha Rosario Gueco Cruz ang mapalad na naiwan (dahil sa *visa) kasama ko. Paano ba nama'y iniwan kami ni Gummy, John Jerry, Von, Colette, Glenn sakay ng Etihad (EY). At antipatika ang unang tingin nila sa'kin (hmpf). Sakay ng Thai Airways (TG) bibit ang ikinahon kong bahay namin, kami'y nagtungo sa Bangkok (kamangha-mangha ang kanilang paliparan). Habang hinihintay ang eroplanong magdadala sa amin sa Abu Dhabi, naupo muna kami habang tinitingnan ang mga *cabin crew at mga taong dumadaan na wari mo'y naliligaw. Walang kaalam-alam si Rasha na tahimik akong nagiisip kung magiging swak ba siyang kasama at iniisip ko ring sayang ang kandilang sana'y libre naming makukuha mula sa King Power. Sa hiya sa bago kong kasama, iilang larawan lang na nasa ibaba ang aking naitabi.






No comments: